Francisco Jeepney


Bayanihan Francisco Jeepney Program


FAQ (Frequently Asked Questions)


Q: Ano ang Bayanihan Francisco Jeepney Program?

A: Magkakaroon po kayo ng Brand New Modernized Francisco Jeepney na sumusunod sa requirements ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno ayon sa Philippine National Standards (PNS) na wala kayong ilalabas na pera at hindi nyo kailangang umutang sa bangko o kaninuman.


Q: Sino ang pwedeng lumahok sa programang ito?

A: Ang programang ito ay para lang po sa mga opisyales at miyembro ng Transport Sub-Sector ng FedPAC o Federalista Political Action Committee. Dalawang kategorya po ng mga operator ng jeepney ang maaaring lumahok:

1) May valid na prangkisa ng jeepney. Pag sinabi pong valid na prangkisa, dapat po ay sa inyo or sa coopetatiba o corporasyon ninyo nakapangalan ang prangkisa at hindi oa expired.

2) May prangkisa pero hindi sa kanila nakapangalan at may Deed of Sale, hindi pa expired at kasalukuyang bumibiyahe ang lumang jeep.


Q: Magkano ang kailangang bayaran upang makalahok sa Bayanihan Francisco Jeepney Program?

A: Wala pong bayad maski Piso. Pag may maniningil po sa inyo ng maski magkano upang lumahok sa programing ito, ipag-bigay-alam po ang pangalan sa Jeepney@ElmerFrancisco.org.


Q: Ano ang unang hakbang?

A: Magdownload ng EFI Wallet mula sa Apple App Store para sa iOS/iPhone o sa Google Playstore para sa Android. Magrehistro sa loob ng mobile application at iactive o ienable ang online wallet. Magtext o tumawag sa 09171363901 o sa 09171364427.


Q: Ano ang sunod na kailangang gawin?

A: Magpagawa ng EFI Merchant Account sa pamunuan ng FedPAC Transport Sub-Sector sa mga cellphone number na ibinigay sa taas para magenerate ang merchant wallet at QR code. Iprint ang QR code at idikit sa jeep kung saan madaling masscan ng mga pasahero. Isang unique QR Code ang iaassign kada jeepney na pwedeng iprint ng maraming beses para pwedeng idikit sa iba’t ibang bahagi ng jeepney na madaling masscan ng mga pasahero.


Q: Paano ito gagamitin?

A: Tatanggap kayo ng mga pasahero na ang ipambabayad ay EFI Coin gamit ang EFI Wallet. Ang halaga ng isang EFI Coin ay katumbas ng Piso (1 EFI = 1 PISO).


Q: Saan manggagaling ito mga pasaherong ito?A: Lahat ng mga miyembro ng FedPAC ay may EFI Wallet kung saan silang lahat ay magiging bagong pasahero nyo. Ang mga pasaherong ito ay hindi ninyo magiging pasahero kung hindi dahil sa FedPAC at EFI Wallet. Dahil dito ay mapupuno ang mga bakanteng upuan ng inyong mga tradisyunal na mga lumang jeepney dahil maaaring magbook ng trips in-advance ang mga pasahero.


Q: Saan maaaring bumili ng EFI Coin ang mga pasahero?

A: Madami po tayong mga top-up agents at centers sa lahat ng mga barangay sa buong bansa at parami pa po ito ng parami.


Q: Pwede pa bang tumanggap ng cash na bayad mula sa mga pasahero?

A: Pwede po kaya wala rin pong mawawala sa inyo dahil ang dati niyong kinikiya ay ganon parin. Madadagdagan lang po kayo ng mga pasahero na mga gumagamit ng EFI Wallet.


Q: Paano ako magkakaroon ng bagong modernized Francisco Jeepney?

A: Kapag nakaipon na kayo ng 2 million EFI Coins sa EFI Merchant Wallet ninyo, ittransfer nyo po yan sa amin at bibigyan na po namin kayo ng Brand New Modernized Francisco Jeepney ng wala kayong iilabas kahit Piso.


Q: Ilang bagong modernized Francisco Jeepney ang para sa programang ito?

A: 25,000 units ng bagong modernized Francisco Jeepeny para sa unang taon at 25,000 kada taon para sa susunod na sampung taon.


Q: Ano pa ang mga benepisyo ng programang ito?

A: Ang kagandahan nito ay dadami po ang inyong mga pasahero dahil kayo po ang ituturo namin para sakyan ng lahat ng mga gumagamit ng EFI Wallet kaysa dun sa ibang jeepney na hindi tumatanggap ng EFI Coins. Sa ganon mabilis din kayong makakaipon ng 2 million EFI Coins at mabilis din namin kayong mabibigyan ng bagong modernized Francisco Jeepney.


Q: Ano pa ang ibang benepisyo ng EFI Wallet?

A: Built-in po o kasama na ang contact tracing ng covid-19 kung saan madali po nating mattrace kung may nakasakay ng mag covid19 sa inyong jeep.


Q: Saan pa pwedeng gamiting pambayad ang EFI Wallet?

A: Marami po tayong merchants tulad ng EFI Market at iba pa kung saan pwede rin pong magamit ang EFI Wallet na pamili o pambayad sa mga produkto o serbisyo.


Comments